Kinilig at kinaaliwan ng netizens ang patol na biro ng batikang ABS-CBN news anchor na si Doris Bigornia matapos niyang sabihing kakayanin niyang manood ng walong entries sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) basta ang ka-movie date niya, ang award-winning Kapuso journalist na si Atom Araullo.
Sa December 11 episode ng “Gising Pilipinas” sa DZMM Teleradyo kung saan nakapanayam nila ng co-host na si Alvin Elchico ang kilalang talent manager na si Noel Ferrer, humirit si Doris na handa raw niyang panoorin lahat ng mga pelikulang lahok sa MMFF, basta ang kasama niya, ang dating kasamahan sa ABS-CBN.
“At ina-announce ko na po ngayon… ang ka-date ko po ay si Atom Araullo,” sabay ngiti ni Doris na agad ikinatuwa ng kaniyang mga kasamahan sa programa.
Agad namang nag-react sina Noel at Alvin na hindi napigilang makisakay sa biruan.
“Ayan na!” ani Noel, habang pabirong hirit ni Alvin, “Mapapasubo si Atom sa’yo.”
Nang tanungin naman ni Alvin kung sino nga ba ang sinasabing jowa ni Atom, sagot ni Noel, hindi naman daw kasi binabanggit ang pangalan, at baka raw magalit sa kaniya kapag nag-name drop siya.
Pero humirit ng clue si Noel kay Doris, "'Di ba kapartner mo rin?"
Nagtawanan naman sila sabay bati ni Alvin sa kasamahan nilang si Zen Hernandez.
"Hindi binabati ko lang," biglang kambyo naman ni Alvin.
Dahil dito, umapaw ang kilig at katuwaan ng netizens sa social media. May ilan pang nagbiro na baka si Doris na nga raw ang tinutukoy na long-time girlfriend ni Atom—lalo na’t kamakailan ay umaming in a relationship ang respetadong mamamahayag, bagama’t hindi isiniwalat kung sino ang kaniyang karelasyon.
"Pag maghiwalay si zen hernandez at atom alam na kung sino ang 3rd party!"
"Ang saya saya talaga pag present si ma'am doris sa program . Spontaneous yung bitaw niya ng jokes. Nakakahawa yung tawanan nila ni sir alvin."
"Iba ka talaga Ms. Doris kaya gustong gusto ko po yung mga tapon mo ng jokes ei."
"C Zen Hernandez daw Ang long time gf ni Atom … ewan how true this fb story is."
"Tagging Zen Hernadez hahaha payag ka ba hahaha."
Kaugnay na Balita: ‘Tapos na ang pila!’ Atom Araullo, kinumpirmang matagal nang taken
Kaugnay na Balita: Atom Araullo, nasa 'great relationship'
Bagama't walang tinukoy na pangalan, matagal nang bulung-bulungang ang tinutukoy na karelasyon ni Atom ay si ABS-CBN news anchor Zen Hernandez.