Umexit na bilang houseamtes sina Kapamilya actor Iñigo Jose at Kapuso Sparkle artist Lee Victor sa loob ng Bahay ni Kuya sa ikatlong eviction night.
Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” nitong Sabado, Disyembre 13, lumabas sa resulta ng botohan na sina Iñigo at Lee ang nakakuha ng pinakamababang porsiyento ng boto mula sa mga nominadong housemate.
Nakakuha si Iñigo ng 40.52% habang 15.59% naman ang kay Lee. Samantala, ang mga nakaligtas naman sa eviction ay sina Fred Moser at Heath Jornales.
Pero sa kabila nito, masaya raw si Lee na makakalabas na siya sa Bahay ni Kuya.
“I’m just happy. And I’m just so curious right now. Kasi parang kami ni Iñigo, since we’re out na, we can know everything,” saad ni Lee nang sumalang sa after live kuwentuhan ng PBB: Celebrity Collab Edtion 2.0 Online Verse.
Samantala, balak namang ilapat ni Iñigo sa tunay na buhay ang lahat ng natutuhan niya sa loob ng Bahay.
Aniya, “Gusto ko lang pong i-apply ‘yong mga natutunan ko sa Bahay ni Kuya. ‘Yon ‘yong unang-unang gusto kong magawa.”
“Saka siyempre, gusto ko pong ma-meet lahat ng sumusuporta sa akin ngayon. Ayun, my mom, my brother, my family. Siyempre, it’ Christmas season,” dugtong pa ni Iñigo.