Isang makabagbag-damdaming social media post ng pagdadalamhati at pagninilay ang ibinahagi ni Katrina Ponce Enrile sa social media kasunod ng pagpanaw ng kaniyang ama si dating Senate President at dating chief presidential legal counsel Juan Ponce Enrile nitong Sabado, Disyembre 13.
Sa kaniyang post, inilahad ni Katrina kung paano raw na matagal nang inihahanda ng kaniyang ama ang loob niya para sa araw na darating ang pamamaalam—isang araw na, sa kabila ng lahat ng paghahanda, ay nananatiling masakit at mabigat sa puso.
Ayon kay Katrina, ipinadala sa kaniya ng kanyang anak na si Kris Ponce Enrile ang isang paalala, na mula sa screenshot ng naging komento ni JPE sa birthday greetings niya rito noon, sa hindi tinukoy na partikular na petsa ng birthday ng pumanaw na ama.
Mababasa, “Thank you, Katrina. You are my only daughter, and you are very dear to me. But all the years while you were growing to maturity, I did not pamper you with an easy life."
"Although my heart ached, I purposely wanted to make you go through a difficult life so that you would learn that the real world is a cruel world."
"I wanted to harden your character. I wanted to make you a strong person and be self-reliant. I wanted you to depend on no one else but yourself. I wanted you to be able to stand alone, and suffer any pain along the way I did. I am glad that my plan bore fruit and produced what you are today."
"If I die today or tomorrow or any time soon, I am confident that you can take care of yourself and your children without me. As the poet said: ‘Trust no future, however pleasant.’”
Photo courtesy: Screenshot from Katrina Ponce Enrile/FB
Nilinaw rin ni Katrina na para sa kaniya, may kaibahan ang "grief" at "mourning." Aniya, ang grief o matinding pagdadalamhati ay tahimik na naninirahan sa loob; ang sakit, alaala, at pangungulila na hindi kailangang isigaw.
Samantalang ang mourning o pagluluksa naman ay panlabas na pagpapakita ng dalamhati; ang nakikita at nararamdaman ng mundo.
"What I am learning now is that grief and mourning are not the same. We often think they are interchangeable, but they are not. Grief lives quietly inside us — the ache, the memories, the longing that stirs in silence. Mourning is what the world sees — the outward expression of a sorrow that has not yet fully taken shape," aniya.
"My grief continues to unfold, slowly and deeply. My mourning… that will come when my heart is ready to speak what it feels," dagdag pa niya.
Photo courtesy: Screenshot from Katrina Ponce Enrile/FB
Sumakabilang-buhay si Enrile sa edad na 101 noong Nobyembre 13, sa edad na 101, sa kumpirmasyon mismo ni Katrina.
Kaugnay na Balita: Juan Ponce Enrile, pumanaw na sa edad na 101
Matatandaang bago ito ay ibinalita muna ni Senador Jinggoy Estrada, sa senate plenary session, na dinala ang dating Senate President sa Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital dahil sa pneumonia.
Kaugnay na Balita: ‘Slim chances of surviving,’ Enrile, nasa ICU—Sen. Jinggoy Estrada
Inihatid sa kaniyang huling hantungan si JPE noong Nobyembre 22 sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City, at binigyan din ng pagpupugay sa pamamagitan ng buong military honors bilang pagkilala sa mahabang paglilingkod sa pamahalaan.
Kaugnay na Balita: Enrile, inihimlay na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig