Puwedeng magreklamo ang isang empleyado kung siya ay sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa isang pahayag noong Biyernes, Disyembre 12, sinabi ng DOLE na may karapatan ang mga manggagawa na magsampa ng reklamo sa ahensya kung sapilitan silang pinapasayaw o pinapasali sa anumang aktibidad na sa tingin nilang ipinagbabawal o hindi nararapat sa naturang holiday event.
Binanggit din ng DOLE na ayon sa Labor Code na hindi maaaring pilitin ang isang empleyado na sumali o mag-perform, lalo na kung ito ay labas o hindi parte ng kaniyang trabaho. Maaari daw isampa ang reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC).
“Meaning, if there is a threat of disciplinary action, the employee may file a complaint and go to NLRC to seek corresponding damages,” saad ng DOLE. “In addition, the Safe Spaces Act can also cover violation if it relates to harassment."
“If you were forced and threatened with punishment for non-compliance, you can file a complaint with the NLRC and claim damages,” saad pa ng ahensya.
Kung kaya't nagbigay-paalala ang DOLE sa mga employer o kompanya na respetuhin ang paniniwala, relihiyon, at personal kagustuhan ng kanilang mga empleyado.
“But in the end, if the coercion is just a joke at Christmas parties or presentations, and all in good, respectful, clean fun, and in the spirit of camaraderie, you can still participate to strengthen the organization and make your occasions happier," dagdag pa ng DOLE.