December 13, 2025

Home BALITA National

'Bring PRRD home alive!' Duterte supporters, nagprotesta sa ilalim ng dagat

'Bring PRRD home alive!' Duterte supporters, nagprotesta sa ilalim ng dagat
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB)

Kakaibang kilos-protesta sa ilalim ng dagat ang ginawa ng isang grupo ng Duterte supporters sa panawagan nilang ibalik si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa. 

Ayon sa inupload na video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate, sa Facebook page niyang “Alvin & Tourism,” nitong Sabado, Disyembre 13, mapapanood ang isang grupo ng Duterte supporters na nagkaisang idaan ang kanilang panawagan maging sa ilalim ng karagatan.

“Posting this to remind ourselves that even underwater, even silenced, even pushed to the edge, we will still shout the same! ICC, bring FPRRD home. Bring him home alive,” saad ni Alvin sa kaniyang caption. 

 

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB)

Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB)

Umani naman ng samo’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing kilos-protesta ng naturang grupo. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ni Alvin:

“Grabe ang love kay Du30.” 

“Grabe yung pgmamahal niyo, despite sa paglilinlang, pagnanakaw, at pawawalang hiya sa ating mga kababayan.” 

“Si Marcos may ganyan din kaso sa tubig tabang.” 

“Lagyan nyu ng cartoon din jan para mkapag papiktyur ang mga pusit at dilis.” 

“Walang iwanan hanggang dulo laban lang tayo para kay Tatay Digong.” 

“Di lang pang outer space pala dds pang under the sea na rin.” 

“WOW,.TATAY.DIGONG MALAMAN.NYA.ITO, HE.SOO HAPPY, TALAGANG. MAHAL CYA SA.BUONG MUNDO,.THANK.YOU.LORD” 

“Grabi ang love NG Mas nkkrami ky Prrd mabuhayk po kayo.” 

Samantala, hindi naman nabanggit ng nasabing uploader kung saan isinagawa ang nasabing kilos-protesta at sino ang grupong nanguna dito. 

MAKI-BALITA: 'Tay, kami naman!' VP Sara nakiisa, pumirma sa petisyong pauwiin sa bansa si FPRRD

MAKI-BALITA: ICC Prosecutor, Victims Counsel ipinapabasura apela ni Duterte sa hurisdiksyon ng kaso niya sa ICC

Mc Vincent Mirabuna/Balita