Tila nasubok ang kapasidad ni dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Bianca De Vera na pumili sa pagitan ng dalawang lalaking mamahalin.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Disyembre 12, nausisa si Bianca kung posible bang mahulog ang loob niya sa dalawang lalaki.
"As much as parang gusto kong sabihin na hindi, I don't think mapipigilan mo ang push mo kung talagang nahihirapan na siya at kung torn na talaga siya at kung talagang hindi ka makatulog sa gabi at dalawa ‘yong iniisip mo because you have to choose," saad ni Bianca.
Dagdag pa niya, “"I mean you don't have to choose. But you want to choose between the two men."
Kasama ni Bianca na umupo bilang guest sa naturang talk show ang mga kapuwa niya rin housemates at “Love You So Bad” co-stars na sina Will Ashley at Dustin Yu.
Matatandaang tila pinagsasabong ng fans ang dalawang lalaki dahil pareho silang inuugnay kay Bianca. Pero sa gitna ng fan war, sports lang naman sina Will at Dustin.
In fact, ayon mismo kay Will sa isang panayam, wala umanong love triangle na namamagitan sa kanilang tatlo.
Maki-Balita: Will, masaya para kina Dustin at Bianca: 'Support ko sila'