December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya
Photo courtesy: AJ Raval (FB)

Muling nagbalik-tanaw sa mga napagdaanan niya bilang batang ina ang aktres na si AJ Raval sa ibinahagi niyang long message para sa birthday ng panganay na anak. 

“There were days I looked at us and thought  ‘How are we going to make it?’ I was 17, scared, broke, and trying to figure out how to be a mom when I still felt like a kid myself. Sometimes it honestly felt like a child raising a child. We argued, we cried, we struggled, and there were moments when life felt too heavy for both of us,’ saad ni AJ sa kaniyang social media post noong Biyernes, Disyembre 12. 

Ibinahagi rin niya na noong mga panahong iyon, wala pa siyang pera, stable income, at sariling bahay, kung kaya’t nakatira lang daw sila sa maliit na ₱5,000 apartment unit para hindi na siya makadagdag sa isipin ng magulang. 

“We were so broke that we ended up living in a tiny 5,000 peso apartment  [with[ barely enough space, barely enough anything. I gave birth in [a] Lying-in Clinic. And there were nights I wished I could run to my parents, crawl back into that safety I used to have. But I didn’t want to be a burden. I didn’t want to feel like I was failing or asking for too much. So I held it all in,” aniya. 

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Gayunpaman, ang anak daw ang naging blessing at dahilan para makayanan at malagpasan niya ang mga paghihirap na ito. 

“But we did it. We kept going even when it felt impossible. You were small, but you saved me in big ways. Your tiny hands and loud little voice reminded me that I had something worth fighting for. You’re a blessing I never knew I needed, but the greatest one I ever received,” saad ni AJ. 

“Every challenge we faced made us stronger. Every night we went to sleep unsure of tomorrow, we still woke up and tried again. We didn’t have much, but we had each other and that was enough to carry us this far,” dagdag pa niya. 

Sa kasalukuyan, walong taon na ang anak, at hinangaan ni AJ ang pagiging matalino at matatag nito. 

Kaya raw ang anak ang naging simbolo ng kaniyang survival, growth, at katatagan sa kabila ng mga hirap at pagsubok. 

“And now here you are… 8 years old. Smart. Strong. Funny. Wild. Beautiful. You’re everything I dreamed you’d be and more,” masayang pagkilala ni AJ. 

“When I look at you, I don’t just see my daughter. I see my survival. I see my growth. I see the reason I learned how to fight, love, and rebuild my life,” aniya pa. 

Sa pagtatapos ng mensahe, ipinangako niya sa anak na sa paglaki pa nito, sisiguraduhin ni AJ na ang tahanan nila ay mapupuno ng pagmamahgal mula sa mga bagay na nalagpasan nila. 

“Happy birthday to the girl who turned my struggle into strength.We made it through the hardest parts, and I promise the rest of your story will be filled with warmth, love, and a home built from everything we’ve survived,” pagbati ni AJ sa anak. 

Matatandaang ibinahagi ni AJ sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Nobyembre 12 na lima na ang anak niya. 

Dalawa rito ay mula sa naging dati niyang karelasyon at ang tatlo ay mula sa aktor na si Aljur Abrenica. 

MAKI-BALITA: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!

Sean Antonio/BALITA