May 19, 2026

Home BALITA Probinsya

Senior citizen inatake ng buwaya sa loob ng banyo

Senior citizen inatake ng buwaya sa loob ng banyo

Inatake ng buwaya ang isang 63 taong gulang na babae habang gumagamit ng banyo sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi.

Ayon sa mga ulat, isang stilt house o bahay na nasa ibabaw ng tubig ang tirahan ng biktima kung kaya’t mabilis na lumitaw ang buwaya habang siya ay nasa banyo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa kaliwang kamay ang biktima kung saan kasalukuyan na siyang nagpapagaling sa ospital.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang search operation ng lokal na awtoridad sa Tawi-Tawi upang mahuli ang umatakeng buwaya.

Muli namang nanawagan sa publiko ang mga awtoridad hinggil sa mas malalim na pag-iingat upang hindi na maulit ang insidenteng nangyari noong Abril sa nasabi ring lugar kung saan dalawang mangingisda ang inatake ng buwaya.

Probinsya

Mga nakaparadang sasakyan sa Pampanga, nagliyab!

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Abril 1 kung saan masuwerteng nakaligtas ang isang mangingisda matapos siyang atakihin ng buwaya habang pumapalaot.

Habang noong Abril 2 naman ng isa pang mangingisda ang sinakmal ng buwaya habang sumisisid ng seaweeds. Nakaligtas ang biktima matapos niyang paluin ng sagwan ang naturang buwaya.