May 22, 2026

Home SHOWBIZ

‘Nakakalungkot!’ Ralph De Leon, Vince Maristela bumoses sa green jokes ng ilang housemates sa PBB

‘Nakakalungkot!’ Ralph De Leon, Vince Maristela bumoses sa green jokes ng ilang housemates sa PBB
Photo Courtesy: Ralph De Leon, Vince Maristela (FB)

Nagkomento sina dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates Ralph De Leon at Vince Maristela patungkol sa green jokes ng ilang lalaking housemates sa bagong edisyon ng PBB.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Ralph na nakakalungkot ang hirit ng ilang lalaking housemate sa mga babaeng kasama ng mga ito sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Hindi lang po bilang ex-PBB housemate, bilang lalaki din po. Nakakalungkot po. Nakakalungkot talaga. I mean, whether you are living in the same house, or in the same area with another woman, it shouldn’t be like that,” sabi ni Ralph.

Dagdag pa niya, “Nakakalungkot siya 'cause there should always be boundaries with what you say. There should always be that sort of respect with other people. Nakakalungkot talaga na nangyayari 'yon.”

Samantala, sinusugan naman ni Vince ang pahayag na ito ni Ralph na naniniwalang may limitasyon dapat pagdating sa ganitong mga biruan.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Aniya, “Totoo ‘yon, Tito Boy. Like ako, lagi kong iniisip ‘yong mom and sister ko. Na mayroon akong mga kapatid na babae at nanay. Siyempre ‘yong mga ganyang bagay talaga Tito Boy, kailangan mo talaga magkaroon ng limitations.”

Matatandaang binanggit kamakailan ni Kapamilya housemate Carmelle Collado kay dating PBB housemate Shuvee Etrata na tila naaalarma sila sa hirit na green jokes ng ilang kasama nilang lalaki sa bahay. 

“Hindi naman siya tampo, it's like a concern po, kasi not all the people here inside the house hindi mage-gets ang mga jokes nila," lahad ni Carmelle.

Matapos ito, nagbaba ng bagong patakaran si Kuya sa loob ng Bahay niya para paghiwa-hiwalayin ang mga babae at lalaking housemate.

Maki-Balita: Lalaki, babaeng housemates pinaghiwa-hiwalay na sa Bahay ni Kuya