May 22, 2026

Home BALITA

Modtaks na may ‘cancer genes’ ipinagbili ng sperm bank sa iba’t ibang lugar

Modtaks na may ‘cancer genes’ ipinagbili ng sperm bank sa iba’t ibang lugar
Photo courtesy: Pexels

Bumalaga sa iba’t ibang imbestigasyon ang kakaibang mutation ng isang cell donor na naglalaman pala ng cancer genes sa kaniyang DNA.

Matapos mag-donate ng kaniyang sperm cells sa isang klinika noong 2005, nagamit daw ito sa loob ng 17 taon at ipinagbili sa tinatayang 67 clinics sa 14 na mga bansa sa Europa.

Ayon sa ulat ng ilang international news outlet, sa isang clinic sa Denmark nag-donate ang lalaki na bagama’t may malusog umanong pangangatawan, ay mayroon palang kakaibang mutation sa genes niya na tinatawag na TP53. 

Batay sa mga pag-aaral, ang mutation sa TP53 ay tinatawag din na Li Fraumeni syndrome kung saan 90% ang tiyansa na ang isang tao ay magkaroon ng aktibong cancer genes mula pagkabata hanggang sa pagtanda.

Ayon pa sa imbestigasyon ng  European Broadcasting Union, umabot sa 197 mga bata ang nabuo mula sa naturang sperm donation kung saan ang iba sa kanila ay nakumpirmang pumanaw bunsod umano ng cancer.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samantala, napag-alaman namang nanatili raw na ligtas at malusog ang mismong sperm donor at kaniyang pamilya—ayon sa European Sperm Bank.

Patuloy ang pananaliksik at imbestigasyon upang matukoy ang kabuuan pang bilang ng mga batang naisilang at nabuo sa pamamagitan ng naturang sperm donor at upang matukoy kung ilan sa kanila ang may posibilidad na mag-develop ng cancer.