April 03, 2026

Home BALITA Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Patay ang isang ginang nang saksakin sa leeg ng kaniyang mister matapos na magtalo sa loob ng kanilang tahanan sa Cainta, Rizal nitong Biyernes, Disyembre 12.

Kinilala ang biktima sa alyas na 'Marieta,' nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Sto. Domingo, sa Cainta.

Arestado naman ang suspek na si alyas 'Jaime,' 81, na mahaharap sa kasong parricide sa piskalya.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng mag-asawa sa Barangay Sto. Domingo, Cainta.

Batay sa salaysay ng anak ng mag-asawa na si Roberto, lumilitaw na nasa kahimbingan na siya ng tulog sa ikalawang palapag ng bahay nang marinig ang ina na sumisigaw at humihingi ng tulong sa unang palapag ng bahay, kung saan natutulog ang mag-asawa.

Metro

Nangailangan sa graduation ng anak? Driver na umeskapo matapos magpa-full tank, sumuko na

Kaagad umano siyang bumaba at dito na naabutang may saksak sa leeg ang ina at duguan, habang may hawak namang patalim ang ama.

Kaagad na humingi ng tulong ang anak upang maisugod ang ina sa pagamutan ngunit nasawi rin.

Naaresto rin agad ng mga awtoridad ang suspek, na nakapiit na sa presinto.