June 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur
Photo courtesy: PNP/FB


Aabot sa higit ₱10 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang marijuana eradication operation sa probinsya ng Ilocos Sur kamakailan.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes, Disyembre 11, aabot sa halos 53,400 fully grown marijuana plants ang narekober nila, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakuha ang mga ito mula sa 13 marijuana plantations na may sukat na aabot sa 100 square meters hanggang 3,000 square meters.

Giit ni Acting Chief PNP Jose Melencio C. Nartatez Jr., mahalaga na naisakatuparan ang naturang operasyon upang mapanatili na protektado ang publiko kontrol ilegal na droga.

“This is more than just plants—it’s a blow to those who profit from illegal drugs at the expense of our communities. Ang tagumpay na ito ay para sa ating mga komunidad. Kami ay nandito para protektahan ang mamamayan at labanan ang ilegal na droga, saan man ito nagtatago,” saad ni Nartatez.

Probinsya

Buhay na manok, narekober sa operasyon ng gumuhong gusali sa Pampanga!



“This is part of our continuous commitment under the PNP Focus Agenda to combat illegal drugs while ensuring public safety. Through coordinated efforts like this, we are fulfilling Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman to our citizens,” dagdag pa niya. “Patuloy kaming magsusumikap kasama ang ating mga katuwang na ahensya. Isa itong paalala na ang PNP ay laging alerto, matatag, at determinado sa pagtupad ng tungkulin para sa kaligtasan at seguridad ng bawat Pilipino.”

Matapos ang isinagawang operasyon, siniguro ng mga operatiba na kuhaan muna ito ng imbentaryo at dokumentasyon, bago tuluyang sunugin.

Ilang mga samples din ang dinala sa Crime Laboratory Office upang magkasa ng isang pagsusuri.

Binigyang-diin din ng awtoridad na alinsunod sa ibinabang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ginanap na marijuana eradication operation sa lalawigan.

Vincent Gutierrez/BALITA