Inanunsyo ng GMA Sparkle artist na si Sandro Muhlach na siya ay opisyal nang world record holder, matapos talunin ang Macau Tower, na tinaguriang “Highest Commercial Bungy Jump facility” sa buong mundo.
Sa ibinahaging social media post ni Sandro noong Huwebes, Disyembre 11, mapapanood kung paano tinalon ng aktor ang taas na aabot sa 233 metro o 764 feet.
“Officially a world record holder!!! Dropping in from the top of the world!” saad ni Sandro sa kaniyang post.
“I officially hold the world record for the highest commercial bungee jump at Macau Tower. That's 764 feet of pure freefall. Check that off the bucket list!” dagdag pa niya.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Sandro sa mga tumulong sa kaniyang upang maisakatuparan ang naturang pagtalon sa Macau Tower.
“Thank you po sa mga kababayan na tumulong sakin sa skypark macau! Shout out po sainyo!” pagtatapos niya.
Photo courtesy: Sandro Muhlach/FB
Inilahad naman ng netizens ang kanilang reaksiyon at komento matapos talunin ni Sandro ang Macau Tower.
“Lupet!”
“Wag ka na tatalon ng ganyan kinakabahan ako”
“Walang sinabi si Niño Muhlach? Abangan mo tatay mo!”
“Grabe ka Sandro Muhlach lupeeeet.. parang di din ako huminga.. grabe lakassss..”
“Astig! Ulitin mo yan lods pag 60 senior citizen ka na nyahaha break mo sarili mong record”
“try mo walang tale”
“Bata mo ako brother Sandro Muhlach idol.”
Ayon sa Skypark Macau, ang bungy jumping service nila ay nagsimula noong pang 1988, at higit 5 milyong katao na mula sa buong mundo ang ligtas nang nakatalon dito.
Vincent Gutierrez/BALITA