Pinatulan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang netizen na sinabihan siyang "baduy mo" sa kaniyang "Maui Wowie" video.
Ayon sa isinapublikong video ni Dennis sa kaniyang Facebook account noong Huwebes, Disyembre 11, mapapanood ang pagsabay niya sa trend na “Maui Wowie” habang nakalambitin.
Photo courtesy: Dennis Trillo (FB)
Sa naturang post na ito, nagkomento ng “baduy mo” ang isang netizen na tila pagtuligsa sa aktor.
Hindi naman ito pinalampas ni Dennis at nagawa niyang mag-reply sa nasabing komento ng kaniyang basher.
“Baduy talaga ako haha nakakatawa naman yung Aso mo! Pinag yellow na T-shirt mo pa!” sagot ni Dennis.
Samantala, burado na ngayon ang naturang komento ng netizen sa video ni Dennis ngunit na-screenshot na pala ito ng aktor pati na rin ang profile picture nito at pinost pa sa kaniyang feed.
“Guys ok lang ba reply ko sa kanya? Sorry Denden mapag patol ako today,” mababasa sa caption ni Dennis.
Photo courtesy: Dennis Trillo (FB)
Dahil dito, umami ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang pagpatol ng aktor sa nasabing basher.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa huling post ni Dennis:
“Ang galing ng profile pic napangiti nya ung aso.”
“Bahala nang baduy basta may international acting award hahaha”
“Grabe ngayon KO Lang nagets sorry nmn mejo slow”
“Cute nung aso nakayellow pa talaga”
“Enjoy life lang mga brothers and sisters. Nag papalitan lang tayo ng enjoyment at satisfaction ng mga Ginagawa natin. Although no one is perfect.”
“Nice move, Kuya Dennis Minsan need talaga patulan ng very light ang mga taong ganyan, para malaman nila na bukod dapat ang FB ng mga seniors”
“FYI kaya nga magaling si Dennis Trillo sa kahit anong ibgay sa knya na character ei. Dahil hindi sya takot mag express sa gusto nya.”
MAKI-BALITA: ‘Kakapal ng mukha niyo!’ Bayani Agbayani, agree sa hanash ni Dennis ‘Trillion’ sa korapsyon
MAKI-BALITA: Dennis Trillo, 'honest politician' ang peg sa PMPC Star Awards
Mc Vincent Mirabuna/Balita