May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

'Dahil sa awa?' Tatay, pinatay dalawa niyang PWD na anak

 'Dahil sa awa?' Tatay, pinatay dalawa niyang PWD na anak

Patay ang dalawang magkapatid na Person With Disability (PWD), matapos silang martilyuhin ng sariling ama sa Gingoog City, MIsamis Oriental noong Huwebes, Disyembre 11, 2025.

Ayon sa mga ulat, nasa edad 20 at 21 taong gulang ang mga biktima na kapuwang nasa loob lamang ng kanilang bahay nang atakihin ng kanilang ama.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Gingoog City Police Station, martilyo ang ginamit ng suspek sa pagpatay sa kaniyang mga anak, dahil umano sa matindi niyang awa kondisyon ng mga biktima. 

Samantala, mariing namang pinabulaanan ng kanilang mga kaanak ang depensa ng suspek at iginiit na matagal na umanong walang malasakit ang suspek sa kaniyang dalawang PWD anak.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek matapos niyang tangkaing kitilin ang sariling buhay. 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, pati na rin ang background checking sa pamilya ng suspek at biktima, partikular na ang pagsusuri sa kondisyon ng mental health sa lahi nila.

Nanawagan din ang pulisya na dumulog ng propesyonal na tulong kung sakaling may mapansin na kakaiba sa emotional at mental health ng mga kapamilya.

Humihingi naman ng tulong pinansyal ang kaanak ng mga biktima para sa pagsasaayos ng libing ng dalawang magkapatid at para sa iba pang mga gastusin.