May 17, 2026

Home BALITA National

Crime rate sa bansa, bumaba ng 12.86% sa huling quarter ng taon–PNP

Crime rate sa bansa, bumaba ng 12.86% sa huling quarter ng taon–PNP
Photo courtesy: Office of the Chief PNP, MB

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Disyembre 12, ang pagkakaroon ng 12.86% pagbaba ng krimen sa bansa mula Oktubre hanggang Nobyembre 2025.

Sa nasabing pahayag, ibinahagi rin ng PNP na bumaba sa 2,615 noong Nobyembre ang kabuuang bilang ng mga kaso mula sa bilang na 3,001 noong Oktubre. 

Sa walong “focus crimes” na kinokonsidera ng PNP, ang nakapagtala ng pinakamalalang pagbaba ay ang rape, kung saan mula 550, mayroon na lamang 356 kaso (35.27%); physical injury, sa bilang na 312 mula 377 (17.24%); murder, sa bilang na 242 mula 282 (14.18%); at theft, sa bilang na 1,063 mula 1,173 (9.38%). 

Nagkaroon din ng bahagyang pagbaba ang carnapping ng mga motor, sa bilang na 206 mula 211 (2.37%). 

Habang nananatiling nasa 20 ang kaso ng carnapping ng iba pang sasakyan. 

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

Nagkaroon din ng pagbaba ang mga kaso sa larangan ng cybercrime, mula 379 noong Oktubre ay 311 na lamang ang naitala noong Nobyembre, o katumbas ng 17.94%. 

Bukod sa buwanang pagbaba ng mga kaso, ipinakita rin ng PNP na sa pamamagitan ng 15 linggong monitoring period nila, nagkaroon din ng lingguhang pagbaba sa tala ng crime incidents. 

Mula sa pinakamataas na 767 kaso sa simula ng kanilang monitoring, bumaba ito sa 466 mula Disyembre 2 hanggang 8, na may kabuuang pagbaba ng 39%. 

“The numbers are encouraging, but we won’t be complacent,” saad ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Tiniyak din ng ahensya na sa nalalapit na kapaskuhan, patuloy nilang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng publiko para sa maisalamin ang kanilang misyon na epektibo at maasahang serbisyo para sa bawat Pilipino. 

Sean Antonio/BALITA