Sinampahan ng mga kaanak ng isang yumaong 83 taong gulang na babae ang ChatGPT at business partner intong Microsoft bunsod umano ng kinalaman nito sa pagkamatay ng naturang biktima.
Ayon sa ulat ng AP News nitong Biyernes, Disyembre 12, 2025, sinampahan ng pamilya ng 83-anyos na babae ng kaso ang ChatGPT at Microsoft, matapos umano itong maging daan upang lumalala ang "paranoid" delusion ng 56-anyos na suspek na si Stein-Erik Soelberg at patayin ang sariling ina na siyang biktima.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang krimen noong Agosto kung saan walang awang binugbog at sinakal ng suspek ang kaniyang ina sa sarili nilang tahanan sa Greenwich Connecticut.
Kabilang ang kasong isinampa ng kaanak ng biktima, sa tinatayang pitong kasong kinahaharap ng ChatGPT bunsod umano ng pagpapalala sa suicide attempts at murder cases sa Amerika.
"Throughout these conversations, ChatGPT reinforced a single, dangerous message: Stein-Erik could trust no one in his life — except ChatGPT itself," anang lawsuit na isinampa laban sa ChatGPT at Mircosoft.
Dagdag pa ng artikulo, "It fostered his emotional dependence while systematically painting the people around him as enemies. It told him his mother was surveilling him. It told him delivery drivers, retail employees, police officers, and even friends were agents working against him. It told him that names on soda cans were threats from his ‘adversary circle.’”
Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang ChatGPT, bagama't hindi direktang sinagot ang mga paratang laban sa kanila.
Anila, "This is an incredibly heartbreaking situation, and we will review the filings to understand the details."
"We continue improving ChatGPT’s training to recognize and respond to signs of mental or emotional distress, de-escalate conversations, and guide people toward real-world support. We also continue to strengthen ChatGPT’s responses in sensitive moments, working closely with mental health clinicians," saad ng ChatGPT.
Noong Nobyembre, nagtungo sa California ang anim na indibidwal, kabilang ang isang menor de edad upang magsampa ng kaso laban sa ChatGPT na anila'y nagpapalala umano sa kaso ng "wrongful deaths, assisted suicide, involuntary manslaughter at negligence."