December 12, 2025

Home BALITA National

'Tahimik lang na buhay!' PBBM, 'di trip magpolitika noong bata pa

'Tahimik lang na buhay!' PBBM, 'di trip magpolitika noong bata pa
Photo courtesy: PCO (FB)

Ibinahagi sa publiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na hindi raw niya gustong pasukin ang mundo ng politika noong bata pa. 

Ayon sa isinapublikong episode 6 podcast ni PBBM sa Facebook page ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Huwebes, Disyembre 11, sinabi niyang nadismaya raw noon ang mga magulang niya dahil sa hindi niya kagustuhang pasukin ang politika. 

“You know what, I’ll tell you something,” pagsisimula niya, “When I was young, I really don’t want to enter politics.” 

Dagdag pa niya, “Saka medyo nadidismaya na sa akin ‘yong magulang ko. You know… [nag-iisa] akong lalaki. Pero ayaw na ayaw ko.” 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani PBBM, nakita raw niya ang hirap na pinagdaanan ng mga magulang niya noon kaya mas ginusto na lang niya ang tahimik na buhay. 

“Sabi ko, nakita ko ‘yong magulang ko ang hirap ng buhay nila. Ang daming sakripisyo. Sabi ko, ayaw ko na. ‘Yong tahimik lang na buhay. That’s why I go to business school,” pagkukuwento niya. 

Pagpapatuloy pa ng Pangulo, sadyang hindi raw mahuhulaan ng tao ang mararating niya sa hinaharap. 

“Pero hindi ganiyan ang buhay. Hindi mo ma-predict kaya dito ako napunta. Not that I regret anything of it. I do not regret one day,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Pagsang-ayon ni PBBM sa Anti-Dynasty Bill, dala raw ng mga 'umaabuso'—Palasyo

MAKI-BALITA: PBBM, pinamamadali pagpapasa ng Anti-dynasty bill, Party-list System Reform Act, atbp.

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita