Timbog ang isang 36-anyos na lalaki matapos ang ikinasang operasyon ng awtoridad sa Antipolo City, Rizal noong Miyerkules, Disyembre 10, bandang 1:30 ng hapon.
Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office nitong Huwebes, Disyembre 11, nakatala ang nasakoteng suspek bilang Rank 8 Provincial Most Wanted ng lalawigan, na humaharap sa 3 bilang ng kasong acts of lasciviousness.
Ikinasa ng Antipolo Component City Police Station ang naturang operasyon, at ipinaalam sa suspek ang kaniyang mga karapatan—kabilang na ang nirerekomendang piyansa na aabot sa ₱600,000 bawat isang bilang.
Matapos ang naturang aprehensyon, kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Antipolo Component City Police Station ang natiklong suspek, habang pinoproseso ang kaniyang wastong dokumentasyon at tamang disposisyon.
Sa parehong lalawigan at araw, nasakote rin ng pulisya ang dalawang indibidwal matapos namang masamsaman ng 120 gramo ng shabu, na may standard drug price na aabot sa ₱816,000.
Kasama ng shabu ang ilan pang parapernalya na nagsilbing ebidensya upang makasuhan ang mga suspek.
MAKI-BALITA: ₱816k halaga ng shabu, nasamsam; 2 arestado!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Rank 8 Provincial Most Wanted, arestado sa kasong 'acts of lasciviousness'
Photo courtesy: Rizal Police Provincial Office/FB