Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagiging pangulo ng kaniyang yumaong ama na si dating Ferdinand E. Marcos Sr. ay nagbigay umano sa kaniya ng “advantage.”
Mapapanood sa ibinahaging social media post ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, Disyembre 11, ang ilan sa mga “advantages” na nakuha niya bilang Pangulo sa namayapang ama, at ang ilan sa mga natutunan niya rito.
“I’m fine. Siguro over the years, nasanay na rin ako. May malaking advantage ako dahil ‘yong father ko naging presidente. So for 20 years, napapanood ko siya, sabi ko, ang hirap na trabaho ito. So you have to learn to manage it,” panimula ni PBBM.
“Noong una akong umupo [bilang Pangulo], ayaw kong mag-break kasi ang daming trabaho, e. Pero you have to teach yourself na hindi, kailangang mag-break kasi you’re not as clear in your thinking when you start to get tired,” saad pa niya. “Ang sistema ko kapag may malaking problema, my approach is always like this: I learn everything about the problem, then go and do something else. Do completely something different na hindi mo maiisip. You come back [when] you have a new idea. Usually that works for me.”
Nilinaw niya ring hindi na umano siya natataranta, sapagkat dumaan na siya sa “hell” at “high waters.”
“You have to take that break somehow. I don’t mean vacation—2 months vacation—I’m talking about in 3 hours off and doing something [like] listen to music, make kuwento with your kids or something—but something different,” aniya.
“I’ve been through hell and high water, you know I don’t panic anymore. Hindi na ako natataranta, so that’s my advantage,” pagtatapos niya.
Matatandaang naging pangulo ng bansa si Marcos Sr. sa loob ng 21 taon, simula 1965 hanggang 1986, pinakamahaba sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nahalal naman si Marcos Jr. bilang presidente ng bansa noong 2022.
Vincent Gutierrez/BALITA