December 12, 2025

Home BALITA National

'Pag beks, papakita Grindr?' Scheduling ng DOTr libreng sakay, umani ng reaksiyon

'Pag beks, papakita Grindr?' Scheduling ng DOTr libreng sakay, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: via MB

Umani ng reaksiyon at komento sa publiko ang anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) tungkol sa balak nilang 2 araw na Libreng Sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 mula Disyembre 14 hanggang Disyembre 25, bilang bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang ligtas, maginhawa, at masayang biyahe para sa mga komyuter ngayong Kapaskuhan.

Sa ilalim ng programang “12 Days na Libreng Sakay,” tuwing isang araw ay may nakatalagang sektor na maaaring makapagbiyahe nang libre sa tatlong rail lines:

December 14 – Senior Citizens

December 15 – Students

National

COA: 69% ng kulungan sa bansa, siksikan na!

December 16 – Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya

December 17 – Teachers at Health Workers

December 18 – Persons with Disabilities (PWDs) at mga lalaking pasahero

December 19 – Government Employees

December 20 – Babaeng Pasahero

December 21 – Pamilya (kahit ilan ang miyembro)

December 22 – Solo Parents at LGBTQIA+ members

December 23 – Private Sector Employees at mga Kasambahay

December 24 – Uniformed Personnel, Veterans, at kanilang pamilya

December 25 – Lahat ng Komyuter

Layunin ng programa na maipadama ang diwa ng Pasko sa publiko sa pamamagitan ng libreng, ligtas at komportableng pagbiyahe.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga naging "concerns" pati na ang mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Maganda naman, kaya lang paano kapag LGBT, papakita ba namin Grindr?"

"Bayad po, isang bakla po, sa Taft Avenue lang po... ganern?"

"December 22 Qualifications - Grindr"

"How do I ride the train on December 22 as a pansexual? Do I bring onlypans? Or which kind of pan de sal? From the bakery or the six-pack in my tummy? (Okay. I think I should wear a man-skirt and carry a tote bag)."

"Paano malaman kapag kasambahay? May walis na kasama?"

"How they will classify and check the status of each passenger for the eligibility?"

"It would be better to grant 25% discount on all fares for everyone."

"Mas gusto po namin mapaganda ang public transport at maging friendly sa persons with disability kaysa sa panandaliang libre na sakay."

"ganto na lang: from 14 to 24, free yung tickets ng peak hours. 25, all commuters."

Nakipag-ugnayan naman ang Balita sa DOTr upang alamin ang kanilang reaksiyon, tugon, o pahayag kaugnay sa isyu. 

"For LGBTQIA+, no ID shall be required to be presented. Same with household helper, no ID shall be required. Thank you," anila. 

Kaugnay na Balita: '12 days of Christmas' ng DOTr, idadaan sa libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3