December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Maraming salamat for growing with us!' Rochelle hinandog 2-day concert para sa mga 'pinalaki ng Sexbomb'

'Maraming salamat for growing with us!' Rochelle hinandog 2-day concert para sa mga 'pinalaki ng Sexbomb'
Photo courtesy: Rochelle Pangilinan/FB


Iniabot ng aktres at Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan ang kaniyang pasasalamat sa mga aniya’y pinalaki ng Sexbomb sa mga nagdaang taon.

Kaugnay ito sa katatapos lamang na “Get, Get Aw! The Sexbomb Concert” na ikinasa ng grupo noong Disyembre 4 sa Araneta Coliseum, at “Get, Get Aw! The Sexbomb Concert RAWND 2” noong Disyembre 9 sa MOA Arena.

Sa ibinahaging social media post ni Rochelle nitong Huwebes, Disyembre 11, sinabi niya ang ilan niyang mensahe para sa kanilang mga tagasuporta.

“There’s something I’ve been wanting to say—para sa inyo. Sa mga pinalaki ng Sexbomb,” panimula ni Rochelle.

“Sa mga sumasayaw sa sala, sa mga nanonood pagkatapos ng klase, sa mga kabisado ang steps kahit hindi pa uso ang tutorial videos…kayo ang backbone namin,” saad pa niya.

Inamin din ni Rochelle na tila walang kasiguraduhan ang desisyon nilang ikasa ang nasabing concert, ngunit ginawa raw nila ito upang makabawi at maghandog ng regalo para sa mga nagmamahal sa kanila.

“When we decided to do this concert, aminado kami—sumugal kami. Walang gustong mag-produce. Walang kasiguraduhan. Pero tinuloy namin… kasi hindi naman pera ang hangad namin. Ang gusto lang namin ay makabawi, makapagpasalamat, at mabigyan kayo ng isang regalo na karapat-dapat sa inyo,” pag-amin ni Rochelle.

“Kung paano n’yo kami minahal noon, kung paano n’yo kami binuhat sa bawat stage, kung paano n’yo kami tinuring na bahagi ng buhay n’yo—’yon ang dahilan kung bakit hindi kami bumawi. Kayo ang dahilan kung bakit worth it lahat. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon kami ng lakas ng loob ulit,” dagdag pa niya. “Kayo ang dahilan kung bakit nagbukas ulit ang ilaw. This concer[t] wasn’t just ours. Inyo ’to. Para sa inyo ’to. At kung ano man ang naibalik namin sa dalawang gabi, kulang pa ’yon sa laki ng utang na loob namin sa inyo.”

Pinasalamatan din niya ang mga lumaki kasama nila, ang mga naniwala sa kanila, at ang aniya’y bumuo sa kanila.

“Maraming salamat for growing with us, staying with us, and believing in us—kahit minsan kami mismo, nagduda na. We love you. Always. At hindi namin kalilimutan na kayo ang bumuo sa amin. To GOD be the glory!!!” pagtatapos ni Rochelle.

Photo courtesy: Rochelle Pangilinan/FB

Matatandaang sumikat ang Sexbomb matapos maging laman ng kabi-kabilang appearances sa noontime show na “Eat Bulaga.” Tumatak din ang pagbida nila sa afternoon soap na “Daisy Siete.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Wag pong mainggit!' Sexbomb Weng, tumalak matapos himasin si Wendell Ramos-Balita

KAUGNAY NA BALITA: 'In my chubby era!' Sexbomb Sunshine kumuda sa okray na ang taba, ang bigat na niya-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA