Mabilis at pabirong sinagot ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” star na si Angel Guardian ang mga tanong na ibinato ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda.
Sa episode ng programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, Disyembre 10, tahasang sinagot ng aktres na tatanggalan umano niya ng hininga ang mga nasa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Susugod si [Sang’gre] Deia sa DPWH, ano’ng gagawin niya?” tanong ni Boy.
“Tatanggalan ko sila ng hininga!”
Sinagot din ni Angel ang ilan pang mga tanong na ibinato ni Boy.
“Kung guardian angel ka, sinong babantayan mo?” tanong ni Boy.
“Family ko,” sagot naman ni Angel.
“Mas mahirap ikontrol, feelings o baha?” tanong pa niya.
“Baha!” sagot naman ng aktres.
Matatandaang humaharap sa kontobersiya ang DPWH matapos umugong ang isyu patungkol sa lumalaganap na korapsyon sa ahensya at ang maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, itinangging nagbigay sila ng malaking insertion sa flood-control project ng Oriental Mindoro-Balita
Bumibida naman si Angel sa “Encatadia Chronicles: Sang’gre” bilang si Sang’gre Deia, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin.
Vincent Gutierrez/BALITA