December 13, 2025

Home BALITA

'Fake news!' Palasyo, sinabing walang gov't work suspension sa Dec. 26, 29

'Fake news!' Palasyo, sinabing walang gov't work suspension sa Dec. 26, 29
Photo courtesy: PNA


Pinasinungalingan ng Malacañang nitong Huwebes, Disyembre 11, ang kumakalat na “Memorandum Circular No. 47,”  isang anunsyo hinggil sa umano’y suspensyon ng government work sa Disyembre 26 at 29.

Ayon sa pahayag na ibinahagi ni Executive Secretary Ralph Recto, hindi totoo na walang pasok sa mga ahensya ng pamahalaan sa mga nabanggit na petsa.

Mababasa naman sa naturang anunsyo na idineklara ang isang “extended break” para sa mga opisina ng gobyerno para sa promosyon ng “work-life balance” at suportahan ang “emotional” at “social wellness” ng mga serbisyo-publiko.

Nasasaad pa rito na adhikain daw ng MC 47 na palawigin ang “spirit of togetherness,” at bigyan ng pagkakataon ang mga government employees ba makasama ang kanilang mga pamilya sa panahon ng holiday season.

Photo courtesy: PNA website

Sen. Bato, masayang nakita ang apo



Matatandaang papatak sa araw ng Biyernes ang Disyembre 26, at Lunes naman ang Disyembre 29, na siyang hindi naman sasapit o sasakto sa kahit anong “declared holiday.”

Vincent Gutierrez/BALITA