December 13, 2025

Home BALITA

BuCor, itinanggi pa-special treatment para kay Alice Guo

BuCor, itinanggi pa-special treatment para kay Alice Guo

Itinanggi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Huwebes ang mga alegasyong nakatatanggap umano ng espesyal na pagtrato si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Ayon sa BuCor, may mga ulat umanong malisyoso at walang batayan na ipinadala sa media tungkol sa posibleng espesyal na pagtrato kay Guo, matapos umanong bumisita sa kanya ang dalawang lalaking inilarawang “Chinese-looking.” Ngunit batay umano sa opisyal na tala ng CIW, tanging mga abogado lamang ni Guo ang pinapayagang bumista sa kaniya.

Bukod dito, itinanggi rin ni CIW Chief Superintendent Marjorie Ann Sanidad ang alegasyong mayroon umanong personal na cellphone si Guo, na mahigpit aniyang ipinagbabawal. Dagdag pa niya, pantay-pantay ang pagpapatupad ng patakarang ito sa lahat ng indibidwal, kabilang na ang mga empleyado at personnel ng BuCor.

Samantala, sinabi ni Catapang na sumasailalim sa limang araw na quarantine period si Guo matapos ilipat mula sa Bureau of Jail Management and Penology noong nakaraang linggo.

3 mangingisdang Pinoy, sugatan sa water canon ng China sa Escoda Shoal

Kamakailan, hinatulang guilty ng isang Pasig court si Guo sa kasong qualified human trafficking at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Matatandanag noong Disyembre 5, 2025 nang ilipat si Guo patungong CIW kung sana nakatakda siyang manatili ng 60 na araw.

Inilipat si Guo kasama ang mga kapwa-akusado na sina Jaimielyn Santos Cruz at Rachelle Joan Malonzo Carreon.

Kapag nakumpleto na ang 60 araw na proseso sa RDC, sila ay ililipat sa kanilang assigned regular dormitory sa Maximum-Security Camp dahil sila ay hinatulan ng life imprisonment o habambuhay na pagkakakulong at multang ₱2 milyon.

Inirerekomendang balita