December 12, 2025

Home BALITA National

Babe time bago ICC jail time? Misis ni Sen. Bato, 'Thanks for dropping by, missed you!'

Babe time bago ICC jail time? Misis ni Sen. Bato, 'Thanks for dropping by, missed you!'
Photo courtesy: Nancy Dela Rosa/FB

Usap-usapan kamakailan ang naging social media post ni Nancy Dela Rosa, asawa ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, matapos niyang i-flex ang isang larawan, na hinala ng mga netizen, ay silang dalawa ng mister.

Miyerkules ng umaga, Disyembre 10, ibinahagi ni Nancy ang isang larawan kung saan makikita ang isang lalaki at babaeng nakatalikod habang magkayakap.

Bagama't hindi direktang tinukoy o pinangalanan ni Nancy kung sino ang lalaki sa larawan, hinala at hinuha naman ng mga netizen, batay sa bulto ng katawan at ulo, na ang lalaki sa larawan ay si Sen. Bato, na matagal na ring hindi nagpapakita sa Senado, matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may arrest warrant na ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya, kaugnay sa kasong crimes against humanity, na nag-ugat naman sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mababasa naman sa caption, "Thanks for dropping by. Missed you."

National

COA: 69% ng kulungan sa bansa, siksikan na!

Photo courtesy: Nancy Dela Rosa/FB

Kalakip naman nito ang tatlong heart-faced emojis.

Hindi naman kinumpirma ni Nancy kung ang mister nga ba ang nasa larawan.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ate Nancy Dela Rosa. Laban lang tayo, at hindi matutulog ang Diyos. Tell SenStone also Ronald Bato Dela Rosa, my prayers for the whole family."

"Amping permanente sir! This too will pass. God bless!"

"Tita Nancy & Sen Ronald Take care always."

"Always praying for you, Mare Nancy and Pare Bato! Amping mo!"

"My prayers to both of you Ate Nancy and Kuya Ronald!"

Samantala, ilang netizens naman ang tila "dinogshow" ito.

Hindi naman nakasaad sa larawan kung saang lokasyon nagtagpo ang mag-asawa.

Kamakailan lamang, sinabi ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na talagang may arrest warrant na ang ICC laban sa kaniya, ngunit huwag siyang papayag na hindi siya maiharap sa isang korte sa Pilipinas.

"Sen Bato, your warrant of arrest is out!" anang Roque.

"Hwag ka pa- kidnap! Insist that you have the right to be brought [before] a Philippine Court first!" dagdag pa niya.

Kaugnay na Balita: 'Wag ka pa-kidnap!' Harry Roque binalaan si Sen. Bato, arrest warrant 'out' na!

Nitong Huwebes, Disyembre 11, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakamonitor sila sa galaw at pinaglilipatang lokasyon ni Bato.

“We are monitoring him. Alam namin kung nasaan siya. At hintayin lang namin kung may utos talaga ang korte o wala,” saad ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa panayam ng GTV’s Balitanghali.

Kaugnay na Balita: Lokasyon ni Sen. Bato, monitor daw ng DILG

Ayon pa kay Remulla, lumilipat-lipat si Dela Rosa sa iba’t ibang lokasyon gamit ang magkakaibang sasakyan at tinutulungan umano ng ilang kaibigan.