December 11, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘holiday blues’ at paano ito malalagpasan?

ALAMIN: Ano ang ‘holiday blues’ at paano ito malalagpasan?
Photo courtesy: Freepik

Hindi laging ‘merry’ ang holidays?

Para sa marami, ang holiday season ay nakalaan para sa mga party, reunion, bigayan ng aguinaldo, at salo-salo. 

Mula sa mga pailaw sa mga establisyimento, kalsada, at mga bahay, hanggang sa mga masasayang tugtugin ng mga karoling, at tunog ng kampana mula sa simbahan para sa simbang gabi, ang holiday season sa bansa ay kadalasang masaya at makulay. 

Gayunpaman, para sa ilan, ang panahong ito ay nagdadala ng kakaibang bigat at lungkot dahil sa iba’t ibang dahilan. 

Mga Pagdiriwang

Alamin: Ang pinagkaiba ng September 8 at December 8 tungkol kay Mama Mary

Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH), ang pakiramdam na ito ay tinatawag na “holiday blues,” na tumutukoy sa pakiramdam ng pagkalungkot, pag-iisa, at stress.

Base pa sa pag-aaral ng NCMH, kadalasan itong nagsisimula tuwing sa mga buwan ng Nobyembre o Disyembre, at kumukupas pagdating ng bagong taon. 

Habang karaniwan itong nararamdaman ng marami, iba pa raw ito sa clinical depression. 

Ano ang mga kadalasang nagdudulot ng ‘holiday blues?’ 

- Financial stress

- Social Pressure

- Pagluluksa sa pagkawala ng mahal sa buhay

Ayon pa sa NCMH, narito ang ilan sa mga paraan para malalagpasan ito: 

- Gumawa ng listahan ng mga dapat pagtuunan ng pansin. 

- Unahin ang sariling kapakanan at pahinga. 

- Pagtuunan ng pansin ang personal growth. 

- Makipag-usap sa pinagkakatiwalaang tao, kapamilya man ito o malapit na kaibigan. 

- Maging disiplinado sa pag-iipon ng pera at paggastos. 

- Lumapit sa isang mental health professional. 

Mahalagang tandaan na habang inaasahan ng maraming ang pagkakaroon ng festive spirit tuwing holiday season, kinakailangan rin na alalahanin ang sariling kapakanan at pangangailangan bago magpadala sa mga pressure ng panahon na ito. 

Sean Antonio/BALITA