December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

5-year social media history ng mga turistang bibisita sa US, posibleng gawing requirement!

5-year social media history ng mga turistang bibisita sa US, posibleng gawing requirement!
Photo courtesy: via AP News

Isinusulong ng administrasyon ni US President Donald Trump na hingin ang limang taong social media history ng mga turistang nagbabalak bumisita sa kanilang bansa.

Ayon sa mga ulat, nakaambang maging epektibo ang naturang polisiya mula sa ilang mga bansang may visa-free patungong US, batay na rin sa Department of Homeland Security (DHS).

Sa kasalukuyan, maaaring pumasok sa US nang hanggang 90 araw para sa turismo o negosyo ang mga mamamayan ng 42 bansang kasama sa visa waiver program, nang hindi kinakailangang mag-apply ng visa sa embahada o konsulado ng Amerika—isang prosesong maaaring umabot ng ilang buwan o taon bago maaprubahan.

Kabilang sa visa waiver program ang maraming bansa mula sa Europe tulad ng United Kingdom, Germany at France, gayundin ang ilang kaalyado ng US gaya ng Australia, Israel, Japan, New Zealand at South Korea.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Bagama’t hindi kailangan ng visa ng mga mamamayan mula sa mga bansang ito, kinakailangan pa rin nilang magsumite ng online application sa pamamagitan ng Electronic System for Travel Authorization o ESTA bago pumasok sa U.S. Layunin ng sistemang ito na tiyaking kwalipikado ang mga aplikante para sa visa-free travel at hindi sila banta sa seguridad.

Iminumungkahi ng administrasyong Trump ang malawakang pagbabago sa ESTA system upang maging mobile-only ang proseso. Kabilang sa panukala ang paghingi ng karagdagang impormasyon tungkol sa aplikante at kanilang mga kaanak, ayon sa abiso na inilathala ng Customs and Border Protection (CBP), isang sangay ng DHS, sa federal journal of regulations.

Ayon sa CBP, balak nilang obligahin ang mga visa waiver traveler na isumite ang kanilang social media history sa nakalipas na limang taon, mga email na ginagamit sa nakalipas na sampung taon, at personal na impormasyon ng kanilang immediate family, kabilang ang mga numero ng telepono at tirahan. 

Ang pagsusumite ng social media history sa loob ng limang taon ay magiging mandatory requisite sa ilalim ng naturang panukala.

Sinabi ng CBP na ang mga pagbabagong ito—na kailangan pang suriin ng White House budget office—ay bahagi ng pagpapatupad ng executive order na inisyu ni Trump ngayong 2025, na naglalayong tanggihan ang pagpasok ng mga dayuhang posibleng magdulot ng banta sa pambansang seguridad o pampublikong kaligtasan.

Maki-Balita: 'Migration' ng lahat ng '3rd world countries' sa US, ipagbabawal na ni US President Trump

Inirerekomendang balita