December 12, 2025

Home BALITA Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?
contributed photo

Brutal na pinatay ng 24-anyos na lalaki ang ex-girlfriend niya dahil umano sa selos sa Barangay Carreta, Cebu City nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 11.

Kinilala ang suspek na si Christian Labarez, 24 at biktimang si Percy Paculaba, 24. 

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ng pulisya na pinagpapalo ng suspek ng martilyo ang ulo ng biktima bago ito saksakin.

Ayon sa kaibigan ng biktima, nagtatalo sina Labarez at Paculaba sa labas ng bahay ng huli no'ng MIyerkules ng gabi, Disyembre 10. 

Probinsya

Away sa lupa, nauwi sa putukan; 2 sugatan

Sinusubukan umano ng suspek na ayusin ang relasyon sa biktima ngunit hindi na interesado pa ang huli.

Dagdag pa ng kaibigan, akala niya ay naging maayos na ang dalawa dahil natahimik na bahay. Nakita pa raw ang suspek na naghuhugas ng plato.

Bandang alas-2 ng madaling ng araw, nagising aniya siya dahil sa malakas na ingay. Narinig din ng kapitbahay na humihingi ng tulong ang biktima.

Agad daw siyang nagtungo sa bahay ng babae at nakita niyang duguan ito. Tumakas daw ang suspek matapos atakihin ang biktima.

Kalaunan, bandang alas-9:00 ng umaga, sumuko ang suspek sa kapitbahay na pulis. 

Ipinaliwanag ng suspek sa Mabolo Police Station kung bakit niya nagawa ang krimen. 

Kuwento ng suspek, noong Miyerkules daw ang kanilang 9th monthsary. Pumunta siya sa bahay ng dating nobya para magbigay ng bulaklak.

Aniya, binato raw ng babae ang bulaklak at sinabi nitong may iba na siyang lalaki, kaya nakaramdam siya ng selos dahil sa narinig.

Hindi aniya napigilan ang emosyon kaya sinaktan niya ang babae. 

“Dili ko manapat og babaye, ang babaye pa ang manapat nako. Nadala ra gyud ko, naa man siyay kutsilyo, siya may nag una-una ato gud...Iyaha naman gisulti tanan, sakit naman kaayo (I don’t hit women. It’s even the women who hit me. I was just carried away. She had a knife. She started it. She told me everything, it was very painful),” anang suspek.

Sinabi ng suspek na napilitan siyang tumakas dahil sa takot na mapatay siya ng mga kapitbahay.