December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘She’s not even a Vivamax actress!’ Direktor, sinita pandadawit sa VMX sa booking ni Chelsea Ylore

‘She’s not even a Vivamax actress!’ Direktor, sinita pandadawit sa VMX sa booking ni Chelsea Ylore
Photo Courtesy: Roman Perez, Jr., Chelsea Ylore (FB)

Pinuna ng direktor na si Roman Perez, Jr. ang paggamit sa pangalan ng VMX para iangat ng mga aspiring sexy star ang kanilang mga sarili tulad ni Chelsea Ylore.

Matatandaang pinag-usapan nang husto si Chelsea matapos ang pasabog niya patungkol sa umano’y mayor at senador na nag-alok sa kaniya ng indecent proposal.

Maki-Balita: ‘Tip pa lang paldo na!’ Senador, mayor niyaya VMX actress ng bembangan

Ngunit hindi ito ikinatuwa ni Roman dahil nadawit umano ang pangalan ng nasabing streaming platform dahilan para maipinta na naman sa publiko ang negatibong imahe nito samantalang hindi naman maituturing na VMX star—o maski aktres man lang—si Chelsea. 

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

“Napapansin ko every time na merong tragedy, eksena, abuse, laging nata-tag na 'Vivamax star.' May namatay, 'Vivamax star.' Merong indecent proposal, 'Vivamax star.' Palaging nata-tag yung community sa bad connotations,” saad ni Roman sa Cabinet Files ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

Dagdag pa niya, "Sa akin lang, hindi naman siya star [Chelsea]. Not even VMX A-lister o talent. Nagba-branding lang sila para tumaas ‘yong premium nila na mahal sila. And again, she’s not even a Vivamax actress.”

Ayon kay Roman, hindi umano naging lead star si Chelsea sa kahit saang Vivamax movie. Bagama’t nagkaroon siya ng ilang bit roles gaya sa sex comedy movie na “Kapag Tumayo ang Testigo (Kay Susan Tayo).”

Si Roman ay resident director ng naturang VMX. Ilan sa mga nadirek niyang pelikula sa ilalim nito ay ang “Sitio Diablo,” “Taya,” “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili,” “Adan,” at iba pa.