Dumulog sa publiko ang aktres na si Ruffa Gutierrez para ipanalangin ang ama nilang si Eddie Gutierrez na sasailalim sa isang medical procedure.
Sa latest Instagram post ni Ruffa nitong Miyerkules, Disyembre 10, sinabi niya ang ilang detalye kaugnay sa operasyong gagawin sa erpat niya.
“Please join us in prayer as our dad, Eddie Gutierrez, undergoes his first spinal procedure today in Singapore with Dr. Prem Pillay at the Neuro Spine & Pain Center, Mount Elizabeth Hospital,” saad ni Ruffa.
Nagpaabot na agad ng paunang pasasalamat ang aktres para sa mga magdarasal, sumusuporta, at tumitindig kasama nila sa gitna ng kanilang pinagdadaanan.
Dagdag pa niya, “Your prayers, generosity, and kindness mean more to us than words can express. We truly feel your love.”
Hindi naman nabigo si Ruffa na makatanggap ng suporta sa mga netizen partikular sa mga kasamahan niya sa industriya kabilang na sina Angeline Quinto, Ogie Alcasid, Lorna Tolentino, Almira Muhlach, Karen Davila, at marami pang iba.
Matatandaang nauna nang sinabi ng kanilang ermat na si Annabelle Rama sa isang panayam na wala siyang planong mag-party ngayong Holiday season dahil tututukan niya ang kalagayan ng mister nito.
Maki-Balita: Annabelle Rama, wala planong pumarty sa Pasko; tututukan mister na may sakit!