December 12, 2025

Home BALITA National

Passport ni Zaldy Co, kanselado na!—PBBM

Passport ni Zaldy Co, kanselado na!—PBBM
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Zaldy Co (FB)

Sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Miyerkules, Disyembre 10, na nakansela na ang pasaporte ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Batay sa video na naka-upload sa Facebook page ng Pangulo, sinabi ni PBBM na nagbigay na siya ng instructions sa Department of Foreign Affairs (DFA) maging ang Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa mga embahada sa iba't ibang bansa para kayaking hindi maaaring magtago sa iba't ibang bansa.

Kung sakali mang mapadpad sa partikular na bansa, inatasan ni PBBM ang embahada na agad na ipagbigay-alam sa pamahalaan upang maiuwi siya sa Pilipinas, at harapin ang mga isyung kinasasangkutan pagdating sa maanomalyang flood control projects.

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng mga "pasabog video" si Co laban sa kaniya gayundin kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay ng insertion sa national budget.

National

COA: 69% ng kulungan sa bansa, siksikan na!

Kaugnay na Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget