December 14, 2025

Home BALITA

Overloaded na van na galing Christmas party, nadisgrasya; paslit, senior citizen, patay!

Overloaded na van na galing Christmas party, nadisgrasya; paslit, senior citizen, patay!
Photo courtesy: Contributed photo

Nauwi sa trahedya ang sakay ng isang van na dapat sana’y pauwi na mula sa Christmas party sa Laoang, Northern Samar.

Ayon sa mga ulat, overloaded umano ang sakay ng naturang van kung saan tinatayang nasa 10 barangay officials ang napaulat na sakay nito, kabilang na ang 11 isa pang mga menor de edad.

Lumalabas sa imbestigasyon na pumutok ang isa sa mga gulong ng van dahil umano sa pagiging overloaded nito, na siyang naging dahilan upang mawalan ng control ang driver at madisgrasya sila sa daan.

Isang walong taong gulang na bata ang kumpirmadong patay matapos mapuruhan sa aksidente ang ulo ng biktima. Habang isa namang senior citizen ang dead on spot mula sa naturang trahedya.

Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!

Limang katao rin ang isinugod sa ospital at nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries at damage to properties.