Nagbigay ng maikling pahayag si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chair Justice Andres Reyes, Jr. kaugnay sa pagsuko ng kontratistang si Sarah Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) at pagkansela sa pasaport ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sa isang ambush interview sa ICC Main Office sa Taguig nitong Miyerkules, Disyembre 10, hiningan ng komento si Reyes kaugnay kina Discaya at Co.
“We’re being blessed by God,” simpleng sagot ni Reyes.
Matatandaang personal nang sumuko si Discaya sa NBI noong Disyembre 9 matapos isiwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kaniya ngayong linggo.
MAKI-BALITA: Sarah Discaya, sumuko sa NBI kahit 'di pa nalabas arrest warrant na iniulat ni PBBM
Nito ring Miyerkules nang ihayag ni Marcos ang pagkansela ng pasaporte ni Co.
MAKI-BALITA: Passport ni Zaldy Co, kanselado na!—PBBM