December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Hospital staff, sapol sa CCTV dumekwat ng alahas sa pasyenteng kamamatay pa lang!

Hospital staff, sapol sa CCTV dumekwat ng alahas sa pasyenteng kamamatay pa lang!
Photo courtesy: Screenshot from Jammu Links News (FB)

Usap-usap ngayon ang pagkalat ng CCTV video sa social media tungkol sa isang hospital staffer na nagnakaw umano ng alahas ng pasyenteng kamamatay pa lang. 

Ayon sa mga internasyonal na ulat, mula ang nasabing video sa Delhi, India kung saan isang hospital cleaning staffer ang nagnakaw umano ng gintong alahas mula sa Ginang na pumanaw sa isang private nursing home sa Krishna Nagar sa nasabing bayan sa India. 

Nangyari umano ito noon pang Nobyembre 11, 2025, nang dalhin ni Naveen Kumar Gupta ang kaniyang ina sa Goyal Hospital at doon na nangyari ang naturang insidente. 

Noong panahong pumanaw raw ang ina ni Gupta, inatasan siya ng mga doktor na ililipat ang kaniyang ina sa iba pang hospital kaya saglit siyang lumabas para asikasuhin ang gagamiting ambulansya. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Dahil umano dito, nakakita ng pagkakataon ang cleaning staff ng naturang hospital para kunin ang suot na alahas ng pumanaw na pasyente. 

Nang bumalik si Gupta, saka lamang daw niya napansin na nawawala na ang hikaw at ear-chain na suot-suot ng kaniyang ina. 

Nagawa pa umanong tanungin ni Gupta ang cleaning staff ngunit itinanggi nitong nakita niya ang nawawalang alahas ng pumanaw na pasyente. 

Matapos ang last rites ng pamilya ni Gupta para sa kaniyang ina, saka lamang umano sila bumalik sa nasabing hospital para muling siyasatin ang ang naging insidente. 

Sa tulong ng CCTV, natuklasan nila ang mismong pagkuha ng cleaning staff ng nasabing hospital sa mga alahas ng kapapanaw pa lang noon na pasyente. 

Agad umano itong ni-report nina Gupta sa awtoridad sa kanilang lugar at kalauna’y naibalik sa kanila ang hikaw ng kaniyang ina, ngunit hindi na nagawa pang isauli ang ear-chain na kasama nadekwat noon. 

Samantala, naiharap naman na mga awtoridad at sumasailalim na umano ngayon sa imbestigasyon ang nasabing salarin. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita