Kinakiligan ng "CocoJuls" fans at supporters ang very sweet moment nina Kapamilya couple Coco Martin at Julia Montes matapos biglang taniman ng smack kiss ni Coco si Julia, sa performance nila sa naganap na ABS-CBN Christmas Special.
Talaga namang viral sa social media ang video clips ng biglang pag-kiss ni Coco kay Julia, na obviously, ikinagulat naman ng huli, at napayakap na lang sa una.
Magka-duet kasi sila sa isa sa mga special numbers sa nabanggit na Christmas special na taon-taon namang ginagawa ng Kapamilya Network. Halos magdikit na kasi ang mukha ng dalawa habang kinakanta ang "Kasama Kang Tumanda" ng Stagecrew.
Maya-maya, hinalikan na nga ni Coco si Julia, at kitang-kita naman ang pagkabigla sa mukha ng aktres.
Pero wala namang problema rito dahil sa tunay na buhay, sila naman talaga ang magkarelasyon, at in fairness, ang tagal na rin nilang dalawa ha!
Kaugnay na Balita: Di na nagtatago sa 'dilim:' CocoJuls, nagbago na