December 12, 2025

Home BALITA

Bantayan natin ang bicam!' Budget ng educ sector, posibleng matapyasan?—Sen. Bam

Bantayan natin ang bicam!' Budget ng educ sector, posibleng matapyasan?—Sen. Bam

Nagpahayag ng pangamba si Senator Bam Aquino kaugnay ng umano’y banta ng posibleng pagbabawas sa pondo ng sektor ng edukasyon sa panukalang 2026 national budget.

Ayon sa senador, dapat bantayan ng publiko ang deliberasyon sa Bicameral Conference Committee (bicam) dahil posibleng magkaroon ng hakbang na bawasan ang alokasyon para sa edukasyon.

“Kung nais natin ng magandang pamamahala, bantayan natin ang bicam. Kapag may move or may motion na ma-slash ang educational budget, umalma agad tayo,” ani Aquino.

Bagama’t hindi pa kumpirmado, sinabi ng senador na may impormasyon silang natatanggap na may mga posibleng nagtatangkang bawasan ang pondo para sa edukasyon upang bigyang-daan ang pagpopondo sa ibang programa.

Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?

“May naririnig kami, but I can't confirm that. But may mga naririnig kami. Na posibleng bawasan ang educational budget... Dahil may ibang gustong pondohan,” dagdag niya.

Binigyang-diin pa ni Aquino na karaniwan nang nangyayari sa budget process na kapag tinapyasan ang pondo ng isang sektor, may inaangat na pondo para sa iba.

“Ganon naman 'yon eh, kapag may babawasan kang isang bagay, iatataas mo yung isang bagay,” aniya.

Hinikayat ng senador ang publiko, mga guro, magulang at mga advocates ng edukasyon na maging mapagmatyag upang masiguro na mananatiling prioridad ng pamahalaan ang kalidad at akses sa edukasyon sa bansa.