December 14, 2025

Home BALITA

Babae, matapang na inilikas mga alagang hayop, sarili sa gitna ng sunog!

Babae, matapang na inilikas mga alagang hayop, sarili sa gitna ng sunog!
Photo courtesy: Ivy Baya (FB)

Viral ngayon sa social media ang video ng isang babae na matapang na inuna ang seguridad para sa kaniyang mga alagang aso sa gitna ng sunog. 

Ayon sa ibinahaging post ng uploader na nagngangalang Ivy Baya sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Disyembre 10, makikita ang paghagis ng isang babae mula sa ikatlong palapag ng gusaling nasusunog sa kaniyang dalawang alagang aso sa mga rescuers at residente sa baba nito. 

Photo courtesy: Ivy Baya (FB)

Photo courtesy: Ivy Baya (FB)

Nangyari umano ang nasabing sunog sa Brgy. Guizo, Mandaue City, Cebu nitong 7:00 ng umaga araw ng Miyerkules. 

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Ayon pa sa ulat ng Mandaue City Fire Station, dumating umano sila sa nasabing lugar nang malaki na ang sunog at agad nila itong itinaas sa second alarm. 

Samantala, naapula naman ng mga bombero ang apoy sa oras na 7:50 ng umaga at opisyal na idineklarang nasugpo na sunog bandang 8:22 ng umaga. 

Isang indibidwal lang umano ang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog. 

Sa kasalukuyan, burado na ang naturang video ng nasabing uploader sa kaniyang Facebook account.

Mc Vincent Mirabuna/Balita