December 13, 2025

Home BALITA

‘At last!’ Emil Sumangil nag-react matapos pakasuhan ng DOJ mga sangkot sa missing sabungero

‘At last!’ Emil Sumangil nag-react matapos pakasuhan ng DOJ mga sangkot sa missing sabungero
Photo Courtesy: Emil Sumangil (FB), Pexels

Nagbigay ng reaksiyon si GMA news anchor Emil Sumangil matapos sabihin ng Department of Justice (DOJ) na may sapat na paunang ebidensiya para isampa sa korte ang mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention laban sa mga sangkot sa misteryosong pagkawala ng mga sabungero mula 2021 hanggang 2022.

Maki-Balita: 'May sapat na ebidensya!' DOJ, aprub sa kaso laban kay Atong Ang, iba pa dahil sa lost sabungeros

Kabilang sa mga indibidwal na lumitaw sa listahan ng pinakakasuhan ay ang negosyanteng si Charlie "Atong’ Ang. 

Kaya naman sa latest Facebook post ni Sumangil noong Martes, Disyembre 9, tila natuwa siya sa mungkahing ito ng DOJ.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

“At last.... JUSTICE for MISSING SABUNGEROS! #InGodWeTrust,” saad niya

Matatandaang bilang mamamahayag ay tinutukan ni Sumangil ang kaso ng mga nawawalang sabungero sa kaniyang mga ulat. 

Dumating sa punto na nalagay sa bingit ng panganib ang buhay niya dahil sa sensitibo matapos panayam niya sa whistleblower na si Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy” tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Sa katunayan, umapela pa sa publiko ang misis ng mamamahayag upang ipagdasal ang kaligtasan ng mister. 

"A Personal Prayer Request. We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safetyand protection of my husband, Emil Sumangil. Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time," ani Michelle. 

Maki-Balita: Misis ni Emil Sumangil, humihiling ng panalangin ng kaligtasan para sa mister