December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anthony Taberna 'inis na natatawa' kay Pinky Amador, followers ni Sen. Risa: 'Di nila masabi anong fake news sinabi ko!'

Anthony Taberna 'inis na natatawa' kay Pinky Amador, followers ni Sen. Risa: 'Di nila masabi anong fake news sinabi ko!'
Photo courtesy: Pinky Amador (FB)/via MB

Nausisa ang journalist na si Anthony Taberna kaugnay sa naging patutsada laban sa kaniya ng aktres na si Pinky Amador, na nagpapakalat umano siya ng fake news.

Noong Oktubre, naging usap-usapan ang tirada ni Pinky nang mapunta siya sa isang store business ni Ka Tunying, sa kasagsagan ng pagsabi ng mamamahayag tungkol sa ilang mga senador na umano'y may insertions sa national budget, na napag-usapan naman nila sa radio program na "Dos Por Dos" sa DZRH, kasama ang co-host na si Gerry Baja.

“Bibili sana ako ng fake news,” ani Pinky na naka-peace sign pa.

Kaugnay na Balita:  Pinky Amador sa tindahan ni Ka Tunying: 'Bibili sana ako ng fake news'-Balita

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Bagay na niresbakan naman ni Ka Tunying.

“Ma'am Pinky Amador, wala pong fake news sa amin. Pero try nyo po ang MALUTONG na MURA pa na rice crackers,” ani Taberna.

Kaugnay na Balita: Anthony Taberna, rumesbak kay Pinky Amador sa pasaring na 'bibili ng fake news' sa tindahan niya

Sa latest interview ng "CinemaBravo" na naka-upload sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Disyembre 10, natanong ang mamamahayag kung ano ang reaksiyon niya sa naging mga banat sa kaniya ni Pinky.

"Actually, sa isang banda, naiinis ako, sa isang banda, natatawa rin ako," aniya.

Paliwanag niya, "Kasi, sinasabi nila na fake news pero hindi naman nila masabi kung ano 'yong fake news na sinabi ko."

Pagkatapos nito, ipinaliwanag ni Ka Tunying kung paano ito nagsimula, na nagmula nga sa show nila. Dito ay nabanggit nila ang mga pangalan ng senador na umano'y may insertion sa budget, kabilang na rin si Sen. Risa Hontiveros.

"Kaya lang itong mga grupo ni Risa Hontiveros, naging selective lang 'yong pakikinig nila, akala nila ay sini-single out namin si Risa, which is not true."

"So no'ng sinabi ni Senator Risa sa kaniyang post na wala siyang bicameral insertion, 'yon 'yong inispecify niya, and number 2, 'wag daw maniwala ang tao sa fake news, medyo nasaktan naman ako ro'n, hindi lang naman siya ang may pangalan, may pangalan din naman kami na pinangangalagaan," aniya.

Kaugnay na Balita:  Hontiveros, nilinaw na wala siyang bicam insertions

Kaugnay na Balita: Sen. Risa iginiit na dumaan sa tamang proseso, aprubado sa Senado lahat ng iminungkahing amyenda sa budget

Ang mga naging post daw ng senadora ang nagpuwersa kay Taberna para ipakita ang mga dokumentong pinanghahawakan niya kaugnay sa umano'y insertions ni Hontiveros.

Kaugnay na Balita: 'Insertion ni Senator Risa Hontiveros, merong resibo!'—Anthony Taberna

"Pero they keep on saying na fake news daw," ani Taberna.

Kaya tanong daw ni Taberna, "Alin do'n sa mga sinabi ko ang fake? Dine-deny ba nila na meron siyang insertion, meaning 'yong mga projects under her name? Na ang total ay more than ₱3 billion pesos?"

Kahit ipinaliwanag na raw niya ang panig niya, talagang wala itong nagawa sa ilang mga taong ipinagdidiinan pa ring "fake news peddler" daw siya.

Going back kay Pinky, hindi raw siya makapaniwala sa mga nasabi ng aktres, na aniya ay bumatay lamang sa isang item. Naniniwala raw ang mamamahayag na matalinong tao ang aktres.

Ang worst reaction daw, pinuntahan ng followers ni Pinky ang social media account ng anak niyang sina Zoey at Helga, at sila ang binakbakan.

"Alam mo sinasabi ng followers niya? Dapat daw kay Zoey, bumalik 'yong cancer ni Zoey at mamatay na raw sana si Zoey. That's foul," paliwanag pa ni Anthony.

At ayon pa sa kaniya, kung talagang "righteous" na tao raw si Hontiveros, sana raw ay inawat niya ang mga bumabanat at nandadamay sa anak ni Taberna.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng senadora at aktres na si Pinky Amador tungkol sa mga nabitiwang pahayag ni Taberna. Bukas ang Balita sa kanilang panig.