December 11, 2025

Home BALITA Probinsya

7-anyos na lalaki, nagpositibo sa HIV

7-anyos na lalaki, nagpositibo sa HIV
Photo courtesy: Unsplash


Isang 7 taong gulang na lalaki ang naitala bilang pinakabatang nagpositibo sa Human immunodeficiency virus (HIV) sa probinsya ng South Cotabato ngayong 2025.

Batay sa ulat ng Disease Prevention and Control Unit of the South Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO), isa siya sa 142 bagong kaso ng HIV sa kanilang lalawigan.

Sa isang pahayag, sinabi ng IPHO head na si John Arlo Codilla na tinitingnan nila na maaaring nakaranas ng sekswal na pang-aabuso ang bata sapagkat hindi naman niya ito nakuha mula nang siya ay isilang ng kaniyang ina.

“For South Cotabato, mayroon po tayong naitalang 142 new HIV infections, bago po ito. Ibig sabihin, ito po ay actually aktibo po sa screening, mga bagong screening po ‘yan, simula po buwan ng January up to September natin na datos,” aniya.

Sa 142 bagong kaso, 134 dito ay mga lalaki habang 8 naman ang mga babae—kung saan apat sa mga ito ay buntis.

Sa age bracket mula 25-34 naitala ang pinakamaraming kaso, na sinundan naman ng 15-24.

Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?



Pinaalalahanan naman ng IPHO ang publiko na maiging bantayan ang kanilang mga anak at mga kabataan, at patuloy na maging maagap at mapagmatyag hinggil sa nasabing sakit.

Hinikayat din nilang agad na magpa-check o magpa-test kung kinakailangan, sapagkat libre naman daw ang mga serbisyo na may kaugnayan dito.

Vincent Gutierrez/BALITA