Magkakaloob ang Department of Transportation (DOTr) ng 12 araw na Libreng Sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 mula Disyembre 14 hanggang Disyembre 25, bilang bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang ligtas, maginhawa, at masayang biyahe para sa mga komyuter ngayong Kapaskuhan.
Sa ilalim ng programang “12 Days na Libreng Sakay,” tuwing isang araw ay may nakatalagang sektor na maaaring makapagbiyahe nang libre sa tatlong rail lines:
December 14 – Senior Citizens
December 15 – Students
December 16 – Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya
December 17 – Teachers at Health Workers
December 18 – Persons with Disabilities (PWDs) at mga lalaking pasahero
December 19 – Government Employees
December 20 – Babaeng Pasahero
December 21 – Pamilya (kahit ilan ang miyembro)
December 22 – Solo Parents at LGBTQIA+ members
December 23 – Private Sector Employees at mga Kasambahay
December 24 – Uniformed Personnel, Veterans, at kanilang pamilya
December 25 – Lahat ng Komyuter
Layunin ng programa na maipadama ang diwa ng Pasko sa publiko sa pamamagitan ng libreng, ligtas at komportableng pagbiyahe.
Inaanyayahan ng DOTr ang publiko na makiisa at samantalahin ang handog na Libreng Sakay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko.