Tila ibinida pa ng beteranong radio broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo ang kaniyang sarili at mas kapani-paniwala pa raw na siya ang nambabae kaysa sa kaniyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo.
Ayon sa naging biro ni Ramon sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Disyembre 8, nagawa pa niyang depensahan ang kapatid na si Raffy kaugnay sa pagkakadawit nito sa pag-ispluk ng isang Vivamax artist na nag-alok diumano dito ng aabot sa ₱250,000 kapalit ng bembangan.
“May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy. Hindi ako makapaniwala sa balita dahil takusa (takot sa asawa) ang kapatid ko kay Jocelyn,” aniya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Ano ngayon kung nambabae?' Ramon Tulfo, mas mahihiya raw kung nanlalaki utol na si Sen. Raffy
Dagdag pa niya, “Pero ipagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalaki ang kapatid ko gaya ng isang lalaking mambabatas na mahilig sa basketbolista.”
Pagbibida ni Ramon, mas magiging kapani-paniwala pa raw kung siya ang mapapabalitang nag-alok ng indecent proposal sa isang babae.
“Kung ako pa ang napabalita na nag-offer ng indecent proposal, kapani-paniwala pa.
Sa edad kong ito ay tumitigas pa rin at humahanap si manoy ng masasabong. Hehe!” biro niya.
“Pero, kung ako yung may pera gaya ni Raffy ay Miss Philippines material ang pipiliin ko…” pagtatapos pa niya.
Matatandaang binuking ng VMX actress na si Chelsea Ylore ang dalawang politikong nag-alok umano sa kaniya ng indecent proposal.
MAKI-BALITA: ‘Tip pa lang paldo na!’ Senador, mayor niyaya VMX actress ng bembangan
Umabot umano sa ₱150,000 ang inalok nitong presyo makatalik lang siya sa loob ng isang gabi. Samantala, ₱250,000-₱300,000 naman ang tip na ibinibigay umano sa kaniya ng humirit na senador.
Sey tuloy ni Chelsea, “Tip pa lang paldo na!”
Samantala, wala namang direktang pangalan ng senador na nabanggit ang nasabing aktres.
MAKI-BALITA: 'Ano ngayon kung nambabae?' Ramon Tulfo, mas mahihiya raw kung nanlalaki utol na si Sen. Raffy
MAKI-BALITA: 'Chismis lang!' VP Sara, kinontra bintang ni Ramon Tulfo na destabilisasyon
Mc Vincent Mirabuna/Balita