Matagal na palang magkakilala ang mag-jowang sina Cristine Reyes at Gio Tingson!
Ibinahagi ng aktres ang isang artikulo ng talent manager at showbiz news journalist na si Noel Ferrer, patungkol sa kung paano sila unang nagkakilala ni Gio, na isang political strategist.
Batay sa panayam at artikulong sinulat ni Ferrer, elementary days pa pala, magkakilala na sina Cristine at Gio. Guess what? Sa Marriage booth pa yata silang dalawa unang nagkatagpo, sa Ateneo fair days.
At sino namang mag-aakalang matapos ang maraming taon, muling magre-reconnect ang mga buhay nila, knowing na nagkaasawa na rin si Cristine [at junakis] pa, at ang huling nakarelasyon niya bago si Gio, ay ang aktor na si Marco Gumabao.
"The couple’s history dates back to their childhood days at Ateneo de Manila University, where they first met at a marriage booth — Gio in Grade 6 and Cristine in Grade 5. They later reconnected, and their relationship blossomed," mababasa sa artikulo ni Ferrer, na ibinahagi naman ni Cristine sa kaniyang Facebook post.
Ayon kay Gio, siya ang kunwaring "pari" sa marriage booth kung saan "ikinasal" sa iba si Cristine.
Unang lumutang ang tungkol sa dalawa noong Hunyo 2025.
Sa ispluk noon ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update," ang napabalitang bagong dine-date ni Cristine na tagasuporta ni Sen. Imee Marcos, ay political strategist naman ni Sen. Bam Aquino, na parehong nakapasok sa pagkasenador noong national and local elections (NLE).
Kaugnay na Balita: Cristine Reyes may lovelife na raw ulit, konektado kay Bam Aquino?
Hanggang sa bandang Hulyo, tila nagpa-hard launch na si Cristine matapos niyang i-flex si Gio sa kaniyang Instagram account.