Humihingi ng travel clearance si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte para sa upcoming travel niya sa 17 bansa sa loob ng dalawang buwan.
Ayon sa mga ulat nitong Martes, Disyembre 9, kinumpirma mismo ni House Secretary General Cheloy Garafil ang hiling na travel clearance ni Pulong.
Batay raw sa kopya ng liham ni Pulong kay House Speaker Faustino Dy III noong Disyembre 1, magsisimula ang biyahe niya sa Disymebre 15 na magtatagal hanggang Pebrero 20, 2026.
Kabilang sa mga bansang pupuntahan ni Pulong ay ang Netherlands kung saan kasalukuyang nakapiit ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity.
Samantala, tiniyak naman ng kongresista na sariling pondo umano niya ang gagamitin sa magiging gastusin sa kaniyang paglalakbay.
"In addition, this is also to seek your kind indulgence in allowing this Representation to attend the scheduled plenary sessions and meetings virtually from the aforementioned dates,“ dugtong pa ni Pulong.