January 08, 2026

Home BALITA

Padilla, hindi pinepersonal banat ni Guanzon sa kaniya noong 2022

Padilla, hindi pinepersonal banat ni Guanzon sa kaniya noong 2022
Photo Courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Nagbigay ng pahayag si Sen. Robin Padilla hinggil sa muling paglutang ng banat ni dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon laban sa kaniya.

Sa X post kasi ni Guanzon noong kasagsagan ng 2022 presidential elections, sinabi niyang hindi niya iboboto si Padilla bilang senador.

"Maawa kayo sa Pilipinas," dugtong pa niya.

Ngunit sabi ni Padilla sa latest Facebook post niya nitong Martes, Disyembre 9, hindi raw niya pinepersonal kailanman ang mga banat laban sa kaniya.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

“Hindi ko po kailanman pinepersonal ang mga banat sa akin ng kahit na sino dahil opinyon nila yun wag lang tungkol sa Islam ang bastosin. İginagalang at ipagtatanggol ko po şi atty Rowena Guanzon dahil pinakamamahal po niya ang Pilipinas,” anang senador.

Dagdag pa niya, “Hindi ko rin po sukatan ang pagiging kakulay kita sa Pulitika para suportahan, may mga kasama nga po ako sa senado na hindi ko kakulay pero suportado ko sila başta para sa Pilipinas at sa taongbayan.”

Matatandaang dinepensahan ni Padilla si Guanzon matapos kumalat ang video nito ng pagwawala sa isang mall sa Makati City dahil sa nakaalitang Chinese national, gabi ng Sabado, Disyembre 6.

Maki-Balita: 'Pambihira ang mga troll!' Padilla rumesbak para kay Guanzon