December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Miss Jamaica nagkaroon ng intracranial hemorrhage, atbp injuries matapos mahulog sa stage ng MU

Miss Jamaica nagkaroon ng intracranial hemorrhage, atbp injuries matapos mahulog sa stage ng MU
Photo Courtesy: Gabrielle Hnery (IG), Screenshot from MU (YT)

Nagbigay ng update tungkol sa kalagayan ni Miss Jamaica 2025 Gabrielle Henry ang Miss Universe Organization (MUO) at ang pamilya niya matapos ang kaniyang pagkahulog sa stage ng prestihiyosong kompetisyon.

Sa isang joint statement na inilabas ng MUO at pamilya ni Gabrielle noong Lunes, Disyembre 8, sinabi nila ang naging resulta kay Gabrielle ng nasabing insidente sa kasagsagan ng preliminary competition ng Miss Universe noong Nobyembre 19. 

Anila, nagkaroon umano ng intracranial hemorrhage ang kandidatong pambato ng Jamaica at nawalan din ng malay.

Bukod dito, nagkaroon din si Gabrielle ng fracture, facial laceration at iba pang signicant injuries.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya ni Gabrielle sa organisasyon ng Miss Universe para sa tulong na ibinigay nito sa kanila.

“The Henry family is deeply grateful to the Miss Universe Organization for their unwavering compassion, presence, and love shown,” saad ng pamilya sa pahayag.

Dagdag pa nila, “Their response so far has gone beyond professional responsibility and reflected devotion and protection of the family.”

Nagpasalamat din ang pamilya sa mamamayan ng Jamaica, Miss Universe community, at tagasuporta ng kanilang anak para sa pagmamahal, dasal, at pagpapatibay ng loob na ibinigay ng mga ito.

Sa ngayon, nakatakda nang bumalik si Gabrielle sa Jamica sa mga susunod na araw kasama ang buong medical escort team. Direkta siyang ililipat sa ospital sa sarili niyang bansa para ipagpatuloy ang kaniyang gamutan at pagpapagaling.

Kaugnay na Balita: Miss Jamaica Gabrielle Henry, malapit na i-discharge matapos mahulog sa stage—MUO