December 12, 2025

Home BALITA National

Meralco, may tapyas sa singil sa kuryente ngayong Disyembre

Meralco, may tapyas sa singil sa kuryente ngayong Disyembre
MANILA BULLETIN FILE PHOTO

Tila makakahinga-hinga nang maluwag ang mga consumer dahil magkakaroon ang Manila Electric Co. (Meralco) ng tapyas sa singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon sa Meralco nitong Martes, Disyembre 9, bababa ang kanilang singil ng ₱0.36 kada kilowatt hourt (kwh) ngayong buwan. Dahil na rin ito sa pagbaba rin ng transmission at generation charges. 

Anang Meralco, nangangahulugan ito na ang electricity bills ng mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan ay mababawasan ng ₱71, ₱107 para sa nakakagamit ng 300 kwh kada buwan, ₱142 sa mga kumukonsumo ng 400 kwh kada buwan at ₱178 naman sa mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan. 

National

PBBM sa sektor ng edukasyon: 'Na-neglect natin nang napakatagal!'