December 12, 2025

Home BALITA Metro

Mani vendor na nakipag-swap ng paninda para sa pizza slice, kinaaliwan

Mani vendor na nakipag-swap ng paninda para sa pizza slice, kinaaliwan
Photo courtesy: marcusdimatulac (TikTok screenshot)

Naantig ang maraming netizens sa pakikipag-trade ng isang mani vendor para sa pizza na dala ng pasahero, habang naglalako ito ng paninda sa bus kamakailan. 

Sa viral TikTok video ng netizen na si Marcus Dimatulac, makikita na habang kinukuhanan ng video ang malalaking pizza slice na takeout nila mula sa handaan, saktong palapit ang mani vendor at tila pabiro itong humingi. 

“Uy, pahingi ako,” saad ng vendor paglapit nito.

“Sige, gusto mo ‘ya?” tanong nila Marcus at ng isa sa mga tropa niya. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“Okay lang ba?” pagkukumpirma ng vendor, kaya agad siyang sumalok ng mani mula sa paninda niya para ibigay kina Marcus. 

“Kahit anong flavor basta bukal sa loob mo,” dagdag pa nito. 

Bagama’t pabiro ang naging palitan ng pagkain nila Marcus at ng mani vendor, kinaantigan ito ng maraming netizens at pinahahanap ang vendor para mabigyan pa ng buong pizza. 

“tas hindi niya pala kinain kasi iuuwi para sa anak…” 

“Baka may nakakakilala kay kuya, bigyan natin ng isang buong pizza.” 

“Pahanap naman kay kuya, bigyan ko siya pang-pizza.” 

“Napaa-genuine ng ‘uy penge ako…’ Thank you mga kuys.”

“Your parents raise you very well. Salute sa parents niyo.” 

May iba naman na nakuha pang pairalin ang kanilang humor at pabiro na kinukuha ang account ng isa sa mga tropa ni Marcus. 

“Ang mali mo dyan kuya is ‘yong di mo tinag ‘yong naka-white.” 

“Hala ang bait ni kuya, btw ano ig no’ng naka-white?” 

“Kumain na ba naka-carhartt white tee?” 

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita