Nagbigay ng komento ang Kapamilya actress at cast ng pelikulang “ReKonek” para Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 na si Bela Padilla kaugnay sa pinagdaraanan ngayon ng kaniyang kaibigan na si Kim Chiu sa kapatid nitong si Lakambini Chiu.
KAUGNAY NA BALITA: Kim Chiu, kinasuhan ang sisteret!
Ayon sa naging pahayag ni Bela nang ganapin ang media con ng kanilang pelikula noong Lunes, Disyembre 8, sinabi niyang alam na rin daw niya ang problema ni Kim noon bago pa man pumutok ang mga balitang pagsasampa nito ng kaso sa kaniyang kapatid.
“I’ve known about it for quite some time. That's why I flew to Cebu a few months ago and I texted her on the day that it came out on the news also,” pagsisimula ni Bela.
Dagdag pa niya, “I think it’s harder when people na know about it because everybody has something to say. That’s one of the cons of the internet.”
Ani Bela, ayaw raw niyang maramdaman ni Kim na kalaban niya mundo lalo na at hindi alam ng publiko ang tunay na kuwento tungkol sa kaibigan niya at kapatid nito.
“Ayokong ma-feel niya na the world has something to say about what she’s going because, obviously, we don’t know all the details. I’m sure Kim has a very big support system kasi napaka-generous ni Kim na tao so marami kaming nakaantabay,” saad niya.
Pagpapatuloy ni Bela, maging ang kaibigan din nila at kapuwa aktres na si Angelica Panganiban ay nagpaabot na rin ng pakikisimpatya para kay Kim.
“Also Angelica is also there for her. Si Twinkle, you know, her sister, her brothers is here in town. So alam mo ‘yon, si Direk Lauren lumipad din sa Cebu noong lumipad ako,” ‘ika niya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Alam niya, nandito lang ako!' Angelica, concerned din sa pagsampa ng kaso ni Kim Chiu sa sisteret
Paglilinaw pa ni Bela, “Marami po kaming naghihintay na magsabi lang si Kim na kailangan ko ng tulong, ganiyan. We’re ready.”
Samantala, ibinahagi rin ni Bela na okay naman ngayon ang sitwasyon ni Kim at malakas din daw ang suporta ng mga tao sa teleseryeng pinagbibidahan nitong “The Alibi” kasama ang aktor na si Paulo Avelino.
“She’s okay. She’s working. Ang ganda ng Alibi, ang lakas ng suporta sa Alibi. Si Kim naman, I love her mindset na parang kung ito ‘yong problema ko, I have to focus on this right now…” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: Dating iniyakan, ngayon ay kinasuhan! Anyare sa mag-utol na Kim at Lakam Chiu?
MAKI-BALITA: Feng shui expert, nahulaang magagantso si Kim Chiu?
Mc Vincent Mirabuna/Balita